Para sa aking magiging kabiyak

man-and-woman-sillhouetteHindi ko alam kung nasaan ka
Ikaw ba’y malayo o nasa tabi ko na?
Sana nasa mabuti kang kalagayan
Tulad ko, minimithi’y tunay na kaligayahan

Para sa aking magiging kabiyak
Nawa’y katulad ka nitong maginoong
Kasalukuyan kong hinahagkan
Iniibig kong tunay, kahit ano’y ‘di mapaghihiwalay

Sa aking magiging kabiyak,
Pangako, pag-ibig ko’y iyo lang
Bibigyan ka ng mga tsikiting
Ipagpapasalamat nating ako’y iyo, ikaw ay akin

At para sa aking kasintahan,
Nawa’y ikaw na nga ang tinutukoy ng mga talata
Ang totoo’y habang nagninilay ng pamagat
Ikaw ang naiisip habang sinusulat

Advertisements

Madalas

Man shoutingMadalas,
Nakakasakit tayo ng ‘di natin alam
Kung sino pa ang mga taong malapit sa atin,
Sila ang una nating nasasaktan

Akala kasi natin,
Panghabangbuhay silang nandyan lang
Ang totoo, hinihintay lang nila tayong
Pahalagahan sila’t huwag pabayaan.
Katulad ng ating mga magulang,
Kaibigan, asawa at kasintahan,
Madalas nating isipin
Kahit anong oras ‘di tayo iiwanan

Madalas, ni “ha” ni “ho”
Wala tayong ginagawang pagpaparamdam
Ngunit kapag nawala sila, saka tayo iiyak
“Sana, sana, sana” ang ilang ulit nating ibibigkas

Hindi maiiwasan ang masaktan natin sila
Ang mahalaga’y, ating maiparamdam at maipakita
Ang pagmamahal na sa atin lang magmumula
At pag-aarugang, kahit sa malayo’y madadama nila

Puerto Galera at ang aking pag-iskapo

Picture1

Binaybay ko ang dagat
Upang makita kong mulat
Ang ganda ng mundo
Na ‘di makita ng kahit sino

Tahimik kong pinakinggan
Ang hampas ng tubig sa karagatan
At ang mga alon, aking tinitigan
Tila wala ng bukas na daraan

Taas ng sikat ng araw
Humahataw
Gandang dulot
Makikita mo sa kislap ng tubig sa laot

Salamat sa gandang ipinakita mo sa akin
At sa binigay mong karanasan
Oh Puerto Galera, hanggang sa muli
Minsan pa’y pintahan mo ang mukha ko ng ngiti

Nung unang araw

Man and WomanNung unang araw nang tayo’y magkita
Di ko mabasa ang nasa iyong mga mata
Ikaw ba’y natutuwa o nagpapanggap na masaya?
Ikaw ba’y nagtanong din “ano ba ‘tong aking ginagawa?”

Nung unang araw nang tayo’y magkita
Iyong mga tingin, nagdulot ng ngiti
Sa pusong kong matagal ng sawi
Tila nabuhay ng walang pasabi

Nang magtanong kang “ilang taon ka na?”
Tumalon ang puso ko, “Oh my God!” sabi niya
Katawan ko’y binalot ng kaba
Takot na baka, di tayo bagay sa isa’t isa

Nung unang araw nang tayo’y nagsama
Kilig ay damang-dama
Tinanong ko ang sarili ko
“Gusto mo siyang kasama, ‘no?”

Tapos nito’y tuloy-tuloy na
Walang katapusang pagsasama ang ating ginawa
Tulad nang una tayong magkita
Ngiti pa rin ang dulot ng iyong nangungusap na mga mata

Ngayo’y hawak kamay tayong dalawa
Nagulat ako nang iyong haplusin ang aking mukha
Sabay sabi “akin ka na lang sana”
Gusto kong humiyaw…kung alam mo lang, ako’y tuwang-tuwa!

Sa aking kaarawan

Kaarawan

Sa aking kaarawan
Batid kong madadagdagan
Ang edad na palatandaan
Ng aking katandaan

Ngunit ngayong aking kaarawan
Nais kong tuparin ang pangarap
Na kahit pa anong mapuntahan
Naisin ko dapat ay tunay kaligayahan

Iiwan ang mga kamalian sa nakalipas
Ngunit magsisilbi silang aral sa buhay na binabagtas
Lilisanin ang mga lungkot
Sa kasiyahan pipiliing masangkot

Ngayong aking kaarawan
Bagong buhay ang aking pakiramdam
Nawa’y matamasa, magagandang bagay na inaasam
At mga pagsubok, nawa’y matagumpay kong malagpasan

Ang aking nilakbay

Pulag

Nang ako’y makarating sa iyong tuktok
Sa’yong kagandahan ako’y natalisod
Aking puso’y tila puputok
Sa mala-paraisong iyong inihandog

Masaya. Nakatutuwa.
Pag-abot sa’yo dulot ay ginhawa
Puso’y binalot ng galak
Mga lungkot ng kahapo’y nawasak

Ako’y iyo, ika’y akin
Ang ramdam ko sa bawat sandali
Ako’y iyo, ika’y akin
Ang wari ko sa koneksyong nabuo natin kahit sandali

Sa taas, abot langit ang tuwa
Mga kuhang larawan, biyaya’y magagandang alaala
Ngunit mahigit sa lahat
Ang mga gunitang kahit ang kamera’y di makakuha

Sa aking paglakbay

Trekking

Iiwan ko pansamantala, kinagawian kong mundo
Upang mas makita, ang anumang bagay na mas nais ko
Sa aking paglakbay, sana ay mawari ko
Na sa mundong ito, minsan, kailangan mong huminto

Sa aking paglakbay, di ko alam ang aking mapapala
Ako ba’y matutuwa o tuluyan pa ring luluha?
Sana mawari ko, ang kaluwagan sa puso
At kaliwanagan sa kaibutaran ng kaisipa’t kaluluwa ko